Dagdag-singil ng Maynilad ngayong Oktubre posibleng ipagpaliban

By Rhommel Balasbas October 19, 2018 - 04:13 AM

Malaki ang posibilidad na ipagpaliban ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagpapatupad ng water rate hike ng Maynilad ngayong buwan.

Ito ay matapos maghain ng arbitration case ang Maynilad laban sa MWSS dahil sa desisyon ng ahensya na hindi isama ang corporate income tax sa dagdag-singil.

Dumepensa si MWSS Chief Regulator Patrick Ty na imposible ang iginigiit ng Maynilad.

Paliwanag ni Ty, hindi pwede ipataw ang income tax sa publiko dahil hindi ito kasama sa business tax.

Anya, batay sa concession agreement business tax lamang ang pwedeng bawiin ng water concessionaires.

Dahil sa nakabinbing arbitration case ay posibleng mabalam muna ang water rate hike na nakatakda na sa susunod na linggo.

Madedetermina kung tuloy ang water rate hike pagkatapos ng pagpupulong na magaganap sa pagitan ng MWSS at Maynilad sa mga darating na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.