Lalaking bihag ng Abu Sayyaf pinalaya na sa Sulu

By Erwin Aguilon October 18, 2018 - 12:17 PM

Pinalaya na ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isa nitong bihag sa Jolo, Sulu.

Nakilala ang pinalayang bihag na si Rufo Roda na nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force Sulu, 101st Brigade ng Philippine Army at Military Intelligence 26 at 9 sa downtown Jolo.

Dinukot ang biktima kasama ang kanyang asawa noong Aug 31, 2018 sa Piakan, Sirawi, Zamboanga del Norte.

Nabatid na nakipag-negosasyon sa ASG ang isang alyas Al at napagkasunduang magbayad ng P1.2M kapalit ng kalayaan ng mag-asawa.

Matapos makapagbayad ng ransom ang lalaking Roda lamang ang pinakawalan ng mg kidnapper at naiwan ang asawa nito.

Dinala na sa Zamboanga City ang pinalayang bihag debriefing.

TAGS: abu sayyaf group, Jolo Sulu, Kidnapping, abu sayyaf group, Jolo Sulu, Kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.