Mahigit 750,000 na FB user sa Pilipinas naapektuhan ng data breach – NPC
Tinatayang 755,973 na Filipino Facebook users ang naapektuhan ng naganap na data breach kamakailan sa Facebook ayon sa National Privacy Commission (NPC).
Ayon sa NPC, nangyari ang data breach noong Oct. 13 kung saan, sa impormasyon mula sa pamunuan ng Facebook, 30 milyong katao sa buong mundo ang naapektuhan.
Kasama sa nasabing bilang ang mahigit 750,000 na account ng mga Pinoy.
Sa datos ng NPC, sa bilang ng mga naapektuhan, 387,322 ang maaring na-kompromiso ang basic profile information sa FB, kasama dito ang full name, email address, at cellphone number.
Habang mayroong 361,227 naman ang naapektuhan ang iba pang impormasyon.
Maari ding na-kompromiso ang username, gender, status, hometown, birthdate, work history at iba pa.
Mayroon namang 7,422 users na nalantad ang iba pang impormasyon sa kanilang timeline gaya ng list of friends, kinabibilangan nilang FB group at mga conversation sa messenger.
Inatasan na ng NPC ang Facebook na magsumite sa kanila ng Data Breach Notification Report ng National Privacy Commission (NPC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.