Isko kay Erap: “I wish him well and good health”

By Ricky Brozas October 18, 2018 - 09:42 AM

Inquirer File Photos

“I wish him well and good Health”.

Iyan ang naging tugon ni dating DSWD Undersecretary Isko Moreno Domagoso sa pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na isip-bata siya.

Una na kasing sinabi ni Moreno na dapat nang magretiro si Erap dahil batid naman ng lahat na may karamdaman na ito.

Maliban dito, ipinaliwanag ng dating bise-alkalde ng Maynila na kaya niya hinihimok si Estrada na magretiro na, iyon ay dahil hindi naman na ito ang nagpapatakbo sa City Hall kundi ang mga nakapalibot sa kanya na pawang mga taga-San Juan na wala din namang alam sa tunay na katayuan ng mga Manileño.

Dagdag pa ni Moreno, napagbigyan na rin ang kagustuhan ni Erap na makapag-lingkod sa mga taga-Maynila sa huling pagkakataon.

Sabi ni Isko, nagmamalasakit lamang siya kay Erap dahil sa kondisyon nito.

Dapat aniyang maintindihan ni Estrada ang salitang “sapat na”.

Gayunman, sinabi ni Isko na hayaan na lamang na ang mamamayan ng Maynila ang magdesisyon sa susunod na halalan.

Si Moreno ay nagsumite ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila sa hangaring tunay na mapagsilbihan ang mga Manilenyo sa gitna ng mga negatibong impresyon na napag-iiwanan na ang Maynila ng ibang mga lungsod sa Metro Manila.

TAGS: “I wish him well and good Health”., DSWD Undersecretary Isko Moreno Domagoso, isip-bata, Isko kay Erap, Manila Mayor Joseph Estrad, “I wish him well and good Health”., DSWD Undersecretary Isko Moreno Domagoso, isip-bata, Isko kay Erap, Manila Mayor Joseph Estrad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.