Kaban ng bayan hindi magagamit para sa kahit sinong kandidato – Malakanyang
Isasantabi ng Malakanyang ang anomang political party ng isang kandidato sa 2019 elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paiiralin ng administrasyon ang patas na pagpapatupad sa election law.
Ayon kay Panelo, mahigpit ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin na magiging malinis, tapat, at patas ang eleksyon sa susunod na taon.
Idinagdag pa ni Panelo na makakatiyak din ang publiko na wala kahit isang sentimo mula sa kaban ng bayan ang gagamitin para o laban sa isang kandidato.
Wala rin aniyang balak ang administrasyon na pipigilan ang mga kandidato na makapagsagawa ng campaign rally.
Tiniyak ni Panelo na mananagot sa batas ang sinumang opisyal na hindi magbibigay ng permit para bigyang-daan ang payapang pagtitipon, marcha at motorcades ng mga kandidato.
Binigyan diin ni Panelo na ginagalang at kinikilala ni Pangulong Duterte ang halalan bilang isang sagisag ng demokrasya.
Handa umano ang pamahalaan na protektahan ang pagiging sagrado ng mga balota para matiyak na ang mga mananalo ay agad na maipro-proklama maliban na lamang kung pipigilan ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.