Presyo ng bigas bababa sa katapusan ng buwan
Posibleng bumaba pa ang presyo kada kilo ng bigas sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.
Sa ngayon ay nagkaroon na ng bawas presyo sa bigas na umabot sa P5 kada kilo.
Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ang pagbaba ng presyo ng bigas ay dahil sa pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa tatlong klasipikasyon ng commercial rice — ito ay ang regular milled, well milled, at whole grain rice.
Ngunit ani Piñol, kasabay ng pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado ay umaaray na rin ang mga magsasaka dahil sa pagbaba ng buying price ng kanilang inaaning bigas.
Mula kasi sa P25 per kilo noong nakalipas na buwan ng Setyembre, ay umabot na lamang sa P16 kada kilo ang benta ng bigas sa ngayon.
Kaya naman aniya, upang matulungan ang mga magsasakang Pinoy ay sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang pagbili ng bigas mula sa mga ito sa halagang P20.70 kada kilo.
Nag-alok na rin aniya sila ng incentive sa mga magsasaka gaya ng farm machinery at equipment, kabilang ang free drying sa NFA dryers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.