Grab PH at Uber, pinagmumulta ng P16 million

By Isa Avendaño-Umali October 17, 2018 - 03:13 PM

Inquirer file photo

Pinagmumulta ng Philippine Competition Commission o PCC ng P16 million ang Grab Philippines at Uber.

Ayon kay PCC Commissioner Stella Quimbo, ang penalty sa ride-hailing apps ay dahil sa paglabag sa merger interim measure ng komisyon.

Paliwanag pa ni Quimbo, nabigo ang Grab PH at Uber na magkaroon ng hiwalay na operasyon bago naaprubahan ang merger ng dalawang kumpanya.

Aniya, April 8, 2018 nang tumigil sa operasyon ang Uber, o bago pa mag-isyu ang PCC ng utos na ituloy ang serbisyo nito habang nagsasagawa ng rebyu sa merger transaction.

Ang Grab at Uber ay pumasok sa merger noong April 8, 2018.

Sa isang statement naman ng Grab PH, sinabi nito na pag-aaralan muna nila ang utos ng PCC bago maglabas ng komento.

Ayon kay Leo Gonzales, ang public affairs head ng Grab PH, titingnan nila kung anong legal options ang maaari nilang gawin kaugnay sa PCC order.

Nauna nang pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Grab PH ng P10 million dahil sa umano’y sobra-sobrang paniningil sa mga pasahero nito.

 

TAGS: Grab Philippines, Philippine Competition Commission, Uber, Grab Philippines, Philippine Competition Commission, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.