Medical leave ni BSP Governor Espenilla muling pinalawig
Pinalawig pa muli ang medical leave ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor A. Espenilla.
Nagsimula ang medical leave ni Espenilla noong Sept. 19 na dapat ay tatagal lang hanggang Oct. 2.
Pero pinalawig ito hanggang bukas Oct. 18, gayunman, sa abiso ng BSP Corporate Affairs Office, hindi pa makababalik muli sa tanggapan si Espenilla bukas.
Sa halip, muling palalawigin ang medical leave nito hanggang Oct. 26, 2018.
Nakasaad din sa abiso na sa sandaling makabalik na ng trabaho si Espenilla maari pa ring maghain ito ng medical leaves.
Ang mga deputy governors ng BSP ay magsasalitan bilang OIC habang nagpapagaling si Espenilla.
Magugunitang na-diagnose si Espenilla sa early stage ng tongue cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.