I-ACT pinaghahanda ang mga lokal na pamahalaan para sa Undas 2018
Hinimok ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang mga lokal na pamahalaan na i-clear na ang mga kalsada at sidewalks sa mga semeteryo para sa paggunita ng Undas 2018.
Ayon kay I-ACT Chairman Tim Orbos, kailangang gumawa ng paraan ang gobyerbo upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa panahon ng undas.
Ani Orbos, bagaman naghahanap ng solusyon ang national government para maisaayos ang trapiko, mas alam pa rin ng mga lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar o areas of responsibility.
Kung maaari ay tanggalin na ang mga nakahambalang sa mga daan at sidewalks na malapit o papuntang mga sementeryo upang mas mapakinabangan ng mga tao ang mga daanan, lalo na’t inaasahang magiging masikip ang daloy ng trapiko sa November 1 at 2.
Sinabi pa ng opisyal na ang undas ay tungkol sa mga taong dumadagsa sa mga sementeryo para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Kaya marapat lamang aniya na matiyak ang kaligtasan at “comfort” ng publiko sa panahong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.