Groundbreaking para sa rehabilitasyon ng Marawi inilipat ng petsa

By Rhommel Balasbas October 17, 2018 - 02:57 AM

Eksakto ngayong Miyerkules, October 17 ay isang taon na ang nakalilipas nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.

Kasabay sana ng makasaysayang araw ay ang groundbreaking para sa rehabilitasyon ng most affected areas (MAA) sa Marawi.

Gayunman, ayon sa mga opisyal ng Task Force Bangon marawi (TFBM) ay ililipat na lamang ito sa huling linggo ng Oktubre.

Ayon kay TFBM Secretariat head Atty. Ace Millar, ito ay upang personal na pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktibidad batay na rin sa naging abiso ng Presidential Management Staff (PMS)

Ani Millar, posibleng sa Oktubre 28 ito isagawa.

Ayon naman kay TFBM chairperson at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary Eduardo del Rosario bagaman nabalam, handa na anya ang equipment at manpower para sa groundworks at at sisimulan na ang debris clearing.

Nauna nang ipinahayag sa isang press briefing sa Malacañang noong October 12 ang posibilidad na hindi makadalo ang pangulo sa seremonya ngayong araw at bukas sila sa pagpapaliban nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.