Filing ng COC hanggang ngayong araw na lang

By Rhommel Balasbas October 17, 2018 - 04:47 AM

Comelec Photo

Mayroon na lamang hanggang ngayong araw ang mga nais kumandidato sa 2019 elections para maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC).

Nauna nang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez sa panayam ng Radyo INQUIRER na walang nakikitang rason ang poll body na palawigin pa ang filing.

Nagsimula ang paghahain ng COC noong Huwebes, October 11.

Ayon kay Comelec Education and Information Department (EID) Director Frances Arabe, tatanggap sila ng COC at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) hanggang mamayang alas-5 lamang ng hapon.

Ani Arabe, eksakto alas-5 ay isasara na nila ang gates ng COMELEC.

Gayunman, papayagan ang mga nasa loob ng 30-meter radius na magfile ng COC kahit lumampas ng alas-5.

Samantala, kahapon, ikaapat na araw ng filing ng COC, 41 ang naghain ng kandidatura para sa pagkasenador ayon kay Arabe.

Dahil dito, ay umabot na sa 104 ang kabuuang bilang ng senatorial aspirants para sa 2019.

Kabilang sa mga sikat na personalidad na naghain ng COC kahapon ay sina Mar Roxas, Bam Aquino, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Imee Marcos at Juan Ponce Enrile.

Nakatanggap din ng CONA mula sa 45 party-list groups ang Comelec kahapon.

Dahil dito ay umabot na sa 115 ang kabuuang pilang ng partly-list groups ang naghain ng CONA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.