Smuggled goods, ipamamahagi ng DSWD sa mga biktima ng Bagyong ‘Ompong’
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng smuggled goods na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) para sa mga biktima ng Bagyong Ompong.
Sa isang turn-over ceremony ay ibinigay ng BOC sa DSWD ang dalawang containers na naglalaman ng 130 packages ng used clothes, 32 kahon ng bagong sapatos at limang packages ng bagong mga damit.
Siniguro ng DSWD at BOC na hindi magdudulot ng panganib sa kalusugan ang naturang smuggled goods.
Isang linggo itong sumailalim sa inspeksyon at fumigation bago i-turnover.
Sa isang pahayag kahapon, araw ng Martes, ipinahayag ni DSWD Sec. Virginia Orogo ang pasasalamat para sa donasyon.
Giit nito, ipinag-utos na niya sa kanilang regional offices na sakaling dumating ang mga donasyon ay agad itong ipamahagi sa mga benepisyaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.