Kawalan ng commitment ng CPP dahilan ng pagpapatigil ng peace talks — Malacañan
Nilinaw ng Palasyo ng Malacañan na ang kawalan ng commitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rason sa likod ng kanselasyon ng usapang pangkapayapaan.
Sa press briefing sa Malacañan, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kaya ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan kasama ang komunistang grupo dahil hindi ito nagpakita ng sinseridad at commiment na hinihiling mula sa kanilang hanay.
Aniya, hindi kasi sumunod ang armed wing ng CPP na New People’s Army (NPA) sa napag-usapang tigil-putukan, tigil-patayan, at tigil-ambush.
Kwestyon pa ni Panelo, anong rason sa pagpapatuloy ng usapan kung hindi naman sinsero ang kabilang grupo sa obhektibo nito.
Sa isang panayam, inakusahan ni CPP founding chairman Jose Maria Sison ang mga miyembro ng security council ng gobyerno na pumipigil sa paglagda ng peace talks document at sila umanong nagkumbinse kay Pangulong Duterte na itigil na ang negosasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.