Free WiFi project ng DOST sa mga lalawigan, naunsyami
Hindi matutuloy ang paglalagay ng libreng WiFi sa mga lalawigan na target sana ng Department of Science and Technology (DOST) na maisakatuparan bago matapos ang taong 2015.
Ito ay dahil sa kakulangan ng investors na nagpahayag ng interest sa nasabing proyekto.
Ayon kay Roy Espiritu, tagapagsalita ng DOST-ICTO, nagkaroon ng failed bidding para sa paglalagay ng free WiFi sa mahigit 800 munisipalidad sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Dalawang beses aniyang nangyari ang failed bidding dahil walang lumahok na bidders.
Dahil dito, February 2016 na ang sunod na target date ng DOST para sa nasabing proyekto.
Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P1.4 billion ay layong makapag install ng 7,000 hotspots sa iba’t ibang panig ng bansa na ang bilis ay hindi bababa sa 256 kbps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.