Panukulan, Quezon niyanig ng lindol; pagyanig naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 10:21 AM

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Panukulan sa lalawigan ng Quezon.

Naitala ang lindol sa 74 kilometers north west ng Panukulan alas 9:56 ng umaga ng Lunes, Oct. 15.

Ayon sa Phivolcs, 1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Makalipas naman ang ilang minuto, ibinaba ng Phivolcs sa 4.3 ang magnitude ng lindol.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity III sa Quezon City at Intensity I sa Mauban, Quezon bunsod ng nasabing pagyanig.

TAGS: earthquake, Panukulan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Quezon, Radyo Inquirer, earthquake, Panukulan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Quezon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.