Ilegal na droga hindi agad dapat isisi sa mga Chinese ayon sa pangulo

By Chona Yu October 15, 2018 - 07:54 AM

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag agad na ituro ang mga Chinese kapag may nakalulusot na ilegal na droga sa bansa.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Book Launching ni dating Pangulong Fidel Ramos na ‘Prosperity Thy Neighbor’ sa Maynila, sinabi nito na dapat magsagawa muna ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad bago maglabas ng mga haka-haka o espekulasyon na ang mga Chinese ang nagpasok sa bansa ng ilegal na droga.

Katwiran ng pangulo, mayroon namang cooperative international intelligence na maaring pagbasehan at gamitin ng mga awtoridad.

Kawawa naman kasi aniya ang mga inosenting sibilyan na agad na nadadawit sa ilegal na droga kahit na walang matibay na ebidensya.

Ayon sa pangulo, kontrolado na ng Asian triad ang operasyon ng ilegal na droga sa Southeast Asia.

Matatandaan na noong Mayo ng nakaraang taon, mahigit P6 bilyon na halaga ng shabu mula sa China ang nadiskubre sa isang warehouse sa Valenzuela City.

TAGS: Rodrigo Duterte, War on drugs, Rodrigo Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.