Biyahe ng MRT-3 maagang nagka-aberya; mahigit 800 pasahero pinababa ng tren

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 06:52 AM

Maagang aberya ang naranasan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit ngayong Lunes, Oct. 15.

Sa abiso ng MRT-3 sa kanilang twitter, isang tren nila ang nakaranas ng electrical failure sa motor nito alas 6:23 ng umaga.

Dahil dito, pinababa ang mga pasahero na lulan ng tren sa southbound ng Guadalupe Station.

Tinatayang aabot sa 850 na mga pasahero ang naapektuhan ng aberya.

Makalipas ang siyam na minuto, napasakay naman sa kasunod na tren ang mga pasahero.

Ayon sa MRT-3, maaring luma na ang electrical sub-components ng tren kaya ito nagkaroon ng electrical failure.

 

TAGS: electrical failure, Guadalupe Station, MRT 3, electrical failure, Guadalupe Station, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.