Bilang ng mga pulitikong nasa narco-list bumaba ayon sa PDEA

By Justinne Punsalang October 14, 2018 - 06:47 PM

Nasa 85 na lamang ang bilang ng mga pulitikong kabilang sa narco-list na hawak ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ito ay matapos maaresto at masawi ng walong mga pulitiko na nasa listahan.

Sa isang panayam, sinabi ni Aquino na sa kabuuan, nasa 6,400 mga indibidwal, kabilang ang mga miyembro ng law enforcement, government officials, kawani ng media, artista, hukom, at mga sibilyan, sa kanilang hawak na narco-list.

Samantala, ibinahagi ng opisyal na noong nakaraang linggo lamang ay lumapit siya kay Pangulong Rodrigo Duterte upang humingi ng tulong sa kung ano ang gagawin sa malaking bilang ng mga pulis na kabilang sa listahan.

Aniya, iminungkahi na niya sa punong ehekutibo na i-adjudicate ang mga taong kabilang sa narco-list.

Dagdag pa nito, magsisimula na ang adjuducation process ng PDEA sa susunod na linggo. Uunahin aniya nila ang mga narco-politicians.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.