Extension ng filing ng COC walang rason — COMELEC

By Chona Yu October 14, 2018 - 05:38 PM

Walang nakikitang rason ang Commission on Elections (COMELEC) para palawigin pa ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa mga kakandidato sa 2019 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na sa ngayon, maayos naman ang proseso ng paghahain ng COC.

“Wala tayong nakikitang extension sa ngayon, pero sa Wednesday pa naman ang last day and tingnan natin kung anong mangyayari,” ani Jimenez.

Nagsimula ang filing ng COC noong October 11 at matatapos sa October 17.

Una rito, sinabi ng COMELEC na hindi na nila palalawigin ang filing ng COC para mabigyan ng pagkakataon ang Kongreso na magkaroon ng deliberasyon para sa pondo na gagamitin sa susunod na halalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.