Mga nagdala ng tubig sa magkapatid na Manalo, itiniwalag, “diretso umano sa impyerno”
Isang linggo matapos magdala ng tubig at pagkain sa magkapatid na Angel at Lottie Manalo-Hemedez, sa kanilang tahanan noong Hulyo, itiniwalag na agad ng kanilang simbahan ang guro na si Sarah Manuel.
Ito ang isiniwalat ni Manuel sa pagdinig sa petisyon ng Iglesia ni Cristo na nakahain sa QC Regional Trial Court branch 222 na ipagbawal ang mga bisita sa kanilang compound.
Nang tanungin si Manuel na humarap bilang testigo laban sa INC, sinabi nito na deretso rin umano sila sa impyerno dahil sa pagkakatiwalag sa INC.
Tinangka naman ng panig ng INC sa pangunguna ni Atty. Zeromsky Pineda na ipatanggal ang testimonyang ito ni Manuel sa record ng hukuman, ngunit pinayagan din ito kalaunan ni Judge Edgar Dalmacio Santos.
Dagdag pa ni Manuel, maging ang kanyang mga magulang ay inalis bilang diyakono o deacon sa Iglesia samantalang ang kanyang kapatid na nasa abroad ay ‘in-interrogate- umano dahil sa mga posts nito sa Facebook.
Ayon naman sa abugado ng magkapatid na Manalo na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, ipinapakita ng testimonya ni Manuel ang naging epekto ng pagmamagandang-loob nito sa magkapatid na Manalo.
Matatanddang sumiklab ang kontrobersiya sa Simbahang Iglesia nang mag-post ng video sa YouTube ang mag-inang Angel at tenny Manalo na nagsasabing nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ng ilang opisyal ng simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.