Pinal na listahan ng mga kandidato sa 2019 midterm polls, ilalabas sa December 2018 – Comelec Spox
Target ng Commission on Elections o Comelec na ilabas sa Disyembre ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2019 midterm polls.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kapag natapos na ang filing ng mga certificate of candidacy o COC sa October 17 ay sasalain na ng poll body ang mga kandidato.
Bukas, October 15, ay magreresume ang COC filing sa buong bansa.
Kaugnay nito, walang balak ang Comelec na pigilan ang mga nuisance o ang mga panggulong kandidato na maghain ng kani-kanilang COC.
Ayon kay Jimenez, ang hamon ng kanilang tanggapan sa mga nuisance ay patunayan ng mga ito na karapat -dapat silang magsilbi sa bayan.
Dagdag ni Jimenez, karapatan ng bawat isa na kumandidato.
Sa 2019 midterm elections, ang mga ihahalal ay mga senador, kongresista sa bawat distrito at partylists, governor at vice governor, mayor at vice mayor, at mga konsehal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.