Malakanyang, pinalagan ang mga bumabatikos sa pagkakahalal sa Pilipinas bilang UNHRC member

By Chona Yu October 14, 2018 - 11:49 AM

 

Pumalag ang Malakanyang sa batikos ng Iceland at ibang human rights group sa pagkakahalal sa Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council o UNHRC.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo na patunay ito na kinikilala ng Pilipinas ang karapatang pantao at pamamaraan ng paglaban ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.

Tutol ang Iceland at iba pang human rights group sa hakbang ng UNHRC dahil sa brutal na kampanya ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.

Ayon kay Panelo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga Filipino.

Kasabay nito, hindi pa matiyak ni Panelo kung magtatalaga ng bagong Permanent UN Ambassador ang Pilipinas matapos italaga ng punong ehekutibo si Ginoong Teddy Locsin bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs kapalit ni outgoing Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng Taguig.

 

TAGS: Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, United Nations Human Rights Council, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, United Nations Human Rights Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.