Hindi bababa sa sampung Heads of State dadalo sa APEC Meeting

By Jay Dones November 05, 2015 - 04:27 AM

 

APEC2015_iconHindi bababa sa sampung mga lider ng iba’t ibang bansa ang kumpirmadong pupunta sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa bansa ngayong buwan.

Kabilang sa mg dadalo sa okasyon sina US Presient Barack Obama, Russian President Vladimir Putin, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Mexican President Enrique Peña Nieto at Chilean Presient Michelle Bachelet.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bukod sa mga VIP, inaasahang aabot sa 10,000 delegado ang makakasama sa pagpupulong na magmumula sa 21-member economies.

Dahil sa dami ng mga opisyal at delegado na darating sabansa, magiging matindi aniya ang security arrangements sa mga lugar na tutunguhin ng mga delegado.

Kaya ngayon pa lamang, humihingi na aniya ng paumanhin ang pamahalaan sa posibleng abala na idudulot ng pagupulong sa taumbayan.

Ang APEC ay binuo noong 1989 ng 21 member-economies na nagsusulong ng free trade sa Asya Pasipiko.

Gaganapin ang APEC sa PIlipinas sa November 16-20.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.