UN, nanawagan ng mas marami pang tulong para sa mga bakwit sa Marawi

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 06:41 AM

Ilang araw bago ang unang anibersaryo ng deklarasyon ng liberasyon ng Marawi, nanawagan ang isang United Nations (UN) official ng mas marami pang tulong para sa mga bakwit sa Marawi City.

Personal na bumisita sa lungsod si United Nations assistant secretary-general for humanitarian affairs Ursula Mueller nitong nagdaang linggo.

Anya, sa pakikipag-usap niya sa mga residenteng nasa temporary shelters ay nakurot ang kanyang damdamin.

Gusto anya ng mga ito na magkaroon ang kanilang mga anak ng access sa edukasyon.

Ayon kay Mueller, kailangan ang tuloy-tuloy na humanitarian assistance para sa mga bakwit.

Dahil dito, nanawagan si Mueller sa international community na suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pagtulong sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi.

Sinabi naman ni Mueller na sa kabila ng hindi magandang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang opisyal ng UN ay mananatili ang suporta nito sa gobyerno para sa Marawi.

Kabilang sa mga tulong na naibigay na ng UN ay ang $7.5 milyon na pondo mula sa central emergency response fund.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.