150 undocumented OFWs sa UAE nakatakdang umuwi ng bansa ngayong araw
Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang nasa 150 undocumented Pinoy workers mula sa United Arab Emirates.
Ito na ang ikalabing-apat na batch ng OFWs na umuwi ng bansa sa pamamagitan ng amnesty program ng UAE.
Noong Biyernes ay mayroon ding 78 repatriates mula sa Abu Dhabi.
Dahil dito, nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa mga undocumented Filipinos sa naturang bansa na mag-avail ng amnesty program na nakatakda nang magtapos sa October 31, 2018.
Nagsimula ang amnesty program na ito noong August kung saan ang mga overstaying na mga Filipino at ibang lahi ay binibigyan ng pagkakataong ayusin ang kanilang immigration status o kaya ay makauwi ng kanilang mga bansa.
Sa pamamagitan ng Office of Migrant Workers Affairs ay sinasagot ng DFA ang exit fines at iba pang multa ng mga manggagawa maging ang airline tickets pabalik ng bansa.
Nagbibigay din ang kagawaran ng P5,000 financial assistance sa bawat repatriates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.