CHR: Gobyerno dapat tiyaking tama na napasama sa UNHRC ang Pilipinas
Hinamon ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan na kaagad na resolbahin ang dumaraming mga kaso ng human rights violation sa bansa.
Ito ang reaksyon ni CHR spokesperson Jacquelin De Guia makaraang makakuha ang Pilipinas ng pwesto sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Sinabi ni De Guia na lalong dapat ipakita ngayon ng pamahalaan na buo ang kredibilidad ng bansa para isulong ang mga isyu kaugnay sa human rights.
Bagaman masaya ang CHR at nakakuha ang bansa ng pwesto sa UNHRC, sinabi ng opisyal na nangangahulugan ito na dapat maging tapat ang pamahalaan sa mga kaakibat nitong responsibilidad.
Nauna dito ay binatikos ng Human Rights Watch (HRW) ang pagkakasama ng Pilipinas UNHRC.
Ito ay kaugnay sa umano’y pagpatay ng mga tauhan ng pamahalaan sa 4,200 drug suspects bilang bahagi ng war on drugs ng pamahalaan.
Sa naganap na botohan sa United Nations, ang Pilipinas ay nakakuha ng 165 votes mula sa kabuuang 192.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.