Mayor De Sagun, humiling pa ng kaunting panahon para masagot ang reklamong murder laban sa kanya

By Len Montaño October 13, 2018 - 01:44 AM

INQUIRER PHOTO

Humiling si Trece Martires, Cavite Mayor Melandres De Sagun ng dagdag na panahon para sagutin ang reklamong murder laban sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Vice Mayor Alexander Lubigan noong Hulyo.

Naghain sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ni De Sagun ng motion for extension kaugnay sa inihain niyang counter-affidavit.

Nais ng alkalde na bigyan siya hanggang October 26 para makasagot, 2 linggo matapos ang original deadline na October 12.

Idinahilan ng abogado ni De Sagun na kinuha ang kanyang serbisyo 3 araw lang bago ang deadline at masyadong mabigat ang kaso laban sa kanyang kliyente.

No show naman ang Mayor sa preliminary investigation sa DOJ sa Maynila Biyernes ng hapon.

Nahaharap si De Sagun sa reklamong murder at frustrated murder dahil sa pagpatay kay Lubigan at driver nito na si Romulo Gillemer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.