Listahan ng accommodation establishments na handa na sa Boracay reopening, inilabas ng DOT

By Len Montaño October 13, 2018 - 01:40 AM

Inilabas ng Department of Tourism (DOT) ang listahan ng mga establisyimento sa Boracay na handa na sa accommodation ng mga bisita sa muling pagbubukas ng isla sa October 26.

Nasa listahan ang 68 establishments na may kabuuang 3,519 na kwarto na binigyan ng gobyerno ng clearance halos 2 linggo bago ang reopening ng Boracay.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, sumunod ang naturang mga establisyimento sa alituntunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at DOT.

Bago ang nakatakdang muling pagbubukas ng sikat na tourist destination sa October 26 ay may dry run at soft opening mula October 16 hanggang 25.

Una nang sinabi ni Puyat na nasa pagitan ng 3,000 at 5,000 na kwarto ang magiging available sa Boracay reopening.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.