Resignation ni D.C. Cardinal Wuerl, tinanggap na ni Pope Francis
Tinanggap na ni Pope Francis ang resignation ni Washington D.C. Cardinal Donald Wuerl.
Inanunsyo ito ng Vatican, kasunod ng mga ulat na pinahintulutan daw ng American archbishop na makabalik o ma-reassign ang mga paring inaakusahan ng child sex abuse.
Sa isa namang statement, sinabi ni Wuerl na ang pasya ni Pope Francis ay magbibigay daan para sa bagong leadership sa archdiocese, at upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mananampalataya at mga miyemrbo ng simbahan na tumutok sa paghilom at hinaharap.
Muli ring humingi ng tawad si Muerl sa aniya’y “past errors in judgment.”
Ang kanyang pagbibitiw ay isang paraan upang maiparating ang pagmamahal niya sa mga naniniwala sa Church of Washington.
Si Wuerl, 77-anyos, ay kilalang key ally ni Pope Francis pero naging kontrobersyal dahil sa iskandal sa simbahang Katolika.
Batay sa mga report, mahigit tatlong daang pari sa estado ang nang-abuso umano ng mga menor-de-edad sa loob ng pitumpung taon. At sa loob ng pamumuno ni Wuerl ay nagkaroon daw ng cover-ups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.