Dalawang magkasunod na lindol naitala sa Lanao Del Norte
UPDATE: Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa Lanao Del Norte.
Unang naitala ng PHIVOLCS ang magnitude 3.3 na lindol sa 10 kilometers north east ng Iligan City.
Naganap ang lindol alas 5:48 ng hapon ng Biyernes, Oct. 12.
5 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II sa Iligan City at sa Lugait, Misamis Oriental.
Habang Intensity I naman ang naitala sa Manticao, Misamis Oriental.
Samantala, alas 6:41 naman ng umaga nang maitala ng PHIVOLCS ang magnitude 3.5 na lindol sa Iligan City pa rin.
Naitala ang epicenter ng lindol sa 8 kilometers north west ng Iligan City.
6 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Dahil sa nasabing lindol naitala ang Intensity III sa Iligan City; Intensity II sa Lugait, Misamis Oriental; Intensity I sa Manticao at Naawan, Misamis Oriental at sa Cagayan De Oro City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.