Usapin kung pwede pang tumakbo muli si Junjun Binay bilang mayor, pinag-aaralan na ng DILG

By Alvin Barcelona October 12, 2018 - 07:39 PM

Pinag-aaralan na ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) kung maaaring tumakbo sa 2019 mayoralty race sa Makati ang dating alkalde na si Junjun Binay.

Sa harap ito ng intensyon ng batang Binay na muling tumakbo bilang mayor ng Makati sa kabila ng hatol dito ng ombudsman na perpetual disqualifucation sa eleksyon dahil sa mga kinakaharap nitong kasong kaugnay ng overpriced na Makati City Hall Parking Building.

Sa panayam sa Malakanyang kay DILG Asec. Jonathan Malaya, ipinaliwanag nito na ang mga diskwalipikado lamang sa pagtakbo sa anumang posisyon sa halalan ay yung may hatol na final and executory.

Sa pagkakaalam ni Malaya, may nakabinbing apela ang dating alkalde sa kanyang mga kaso.

Sa ngayon aniya ay nasa proseso na sila ang pagrebisa sa kanilang hawak na records patungkol kay Binay.

Una nang pinatawan ng ombudsman si Binay at 20 iba pa ng dismissal sa serbisyo, kanselasyon ng eligibility, forfeiture ng retirement benefits, perpetual disqualification sa anumang posisyon sa pamahalaan at pinagbawalan na kumuha ng anumang civil service examination matapos na mahatulang guilty sa grave misconduct at serious dishonesty dahil sa kaso ng napakamahal na Makati City Hall Parking Building.

Binaligtad ng Court of Appeals nitong may 2018 ang dismissal ni Binay dahil sa prinsipyo ng condonation doctrine.

 

TAGS: DILG, elections, Junjun Binay, DILG, elections, Junjun Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.