Mga stupidong senador nagtulak umano kay Gadon para tumakbo sa eleksyon
Nagpasyang tumakbo sa 2019 elections bilang senador si Atty. Larry Gadon dahil sa aniya ay maraming “stupid” na mambabatas ngayon sa Senado.
Ani Gadon, nararapat nang mapalitan ang nasabing mga senador at sa tingin niya, maituturing siyang “best replacement”.
Kumpiyansa din si Gadon na mananalo siyang senador.
Ilan sa tinawag niyang mga “bobong senador” ay sina Senators Antonio Trillanes IV, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Franklin Drilon.
Marami aniyang hindi tamang isyu na kinakampihan ang nasabing mga senador.
Nagbabala din si Gadon sa mga senador ng Liberal Party na aniya ay hindi niya uurungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.