Senator JV Ejercito maaring magkaproblema kung gagamitin ang “Estrada” sa kandidatura

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 03:02 PM

Inquirer.net Photo | Cathy Miranda

Maaring magkaproblema umano si Senator JV Ejercito kung gagamitin niya ang apilyidong “Estrada” sa kaniyang kandidatura.

Sinabi ito ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez matapos ihayag ni Ejercito na gagamitin nya ang “Estrada” na ginagamit na apilyido ng kaniyang ama bilang aktor, o screen name.

Ani Jimenez, maari itong maging problema ni Ejercito at maari siyang ipadeklarang nuisance candidate kapag may nagreklamo sa Comelec.

Tatakbo din kasi sa 2019 si dating Senador Jinggoy Estrada.

Inihalimbawa ni Jimenez ang nangyari noon nang maghain ng reklamo si Sec. Alan Peter Cayetano laban sa isang kandidato na may pangalan sa COC na ‘Peter Cayetano’.

TAGS: Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Radyo Inquirer, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.