Nicanor Faeldon itinalaga kapalit ni Bato dela Rosa sa Bucor

By Jan Escosio October 12, 2018 - 12:49 PM

Inquirer File Photo

Uupo bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections o BuCor si Office of Civil Defense deputy administrator Nicanor Faeldon.

Pinalitan ni Faeldon si dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na naghain na ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec.

Gustong mahalal bilang senador ni Dela Rosa sa 2019 elections.

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Faeldon at aniya wala itong problema sa kanya.

Dagdag pa ni Guevarra hihintayin na lang ang komento ng Civil Service Commission ukol sa appointment kay Faeldon.

Ang pamumuno ni Faeldon sa BuCor ang pang-tatlong puwesto na niya sa administrasyong Duterte.

Una siyang naitalaga bilang commission ng Bureau of Customs bago siya inilipat sa OCD.

TAGS: Bureau of Corrections, Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer, Bureau of Corrections, Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.