Listahan ng mga politiko na sangkot sa droga, ibibigay ng DILG sa Comelec pagkatapos ng COC filing
Isusumite na ng Department of Interior and Local Government sa Commission on Elections ang listahan nila ng mga narco politician sa bansa.
Sinabi ito ni DILG Asec. Jonatahan Malaya sa panayam dito sa Malakanyang matapos pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang ilabas ang nasabing listahan.
Ayon kay Malaya, sinabi na rin ni DILG Sec. Eduardo Año na ibibigay nila sa Comelec ang narco-list para sa kanilang disposisyon.
Nais aniya ni Año na ipaalam sa Comelec kung sinu-sino ang mga politiko na kasama sa listahan at kung alin sa mga ito ang may pending na mga drug cases.
Gusto rin ni Año na madiskwalipika sa pagtakbo sa eleksyon ang mga nasa listahan.
Gayunman, may mga election lawyers aniya na nagsasabing may legal impediment ang gusto nilang mangyari kaya nga nila ito ipapaubaya sa Comelec.
Posible nilang isumite sa poll body ang hawak nilang narco-list pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.