Suspensyon sa excise tax sa langis, dapat gawing Christmas gift sa publiko
Hinihimok na ni Senator Bam Aquino ang mga kapwa senador na suportahan ang itinutulak niyang suspensyon sa sinisingil na excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Aquino ang pagdami ng mga Filipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap ay indikasyon na kailangan ng kumilos para solusyonan ang tumataas na halaga ng mga bilihin.
Base sa 3rd Quarter survey ng Social Weather Station, tumaas ng apat na puntos sa 52 porsiyento o 12.2 pamilya ang nagsabi na naghirap sila.
Ayon sa senador, layon ng Senate Resolution 15 na inihain nilang minority senators na magkaroon ng price rollback ng mga produktong petrolyo sa halaga ng mga ito noong nakaraang Disyembre 31.
Giit nito kapag nagkaisa ang mga mga senador, malinaw na senyales na ito sa Malakanyang na kailangan na talaga ng agarang aksyon.
Dagdag pa ni Aquino ang pagbaba ng halaga ng mga produktong-petrolyo ay maagang aginaldo na sa Pasko para sa sambayanang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.