Sugal at bisyo pwedeng magpondo sa Universal Health Care Bill ayon kay Senador Ralph Recto

By Jan Escosio October 12, 2018 - 12:55 AM

Inquirer file photo

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may mga maaaring paghugutan ng pondo para sa ipinasang Universal Health Care Bill.

Ayon kay Recto maaaring mapondohan ang mandato ng panukala ng mga kinikita mula sa mga casino, lotto at maging ang buwis sa mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo.

Iginiit nito na maitutulad ang panukala sa isang reseta pero walang pambili ng gamot kung hindi rin naman ito mapopondohan.

Banggit pa ng senador ang sin tax collections noong 2016 ay P145.3 bilyon at umakyat pa ito sa P187 bilyon noong nakaraang taon.

Sa kita naman ng PAGCOR, 50% ng ambag nito sa pambansang pondo ay maaring mapunta sa Universal Health Care.

At 40% naman ng charity fund ng PCSO ang maaring iambag sa UHC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.