Ika-6 na gold medal naitala ng Pilipinas | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Ika-6 na gold medal naitala ng Pilipinas

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 12:28 AM

Nadagdagan pa ang medalyang nasungkit ng Pilipinas sa ginagawang 2018 Asian Para Games.

Ito ay dahil nakuha ni Ernie Gawilan ang kanyang ikalawang gold medal matapos magwagi sa men’s 100-meter backstroke S7 category.

Naitala ni Gawilan ang record na 1:19.90 sa kompetisyon ay kasama niya sa unang pwesto si Daisuke Ejima ng Japan.

Samantala, iuuwi naman ni Adeline Ancheta-Dumapong ang bronze medal sa women’s over 86-kilogram category sa powerlifting.

Nasungkit ni Ancheta-Dumapong ang medalya matapos magawang buhatin ang 107 kilograms.

Nanguna sa naturang laro si Lee Hyungjung ng Republic of Korea na nabuhat ang 118 kilograms.

Tie ngayon ang Pilipinas at Hong Kong sa ika-10 pwesto sa torneo. Kapwa ito mayroong anim na gintong medalya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.