1 sa mga suspek sa pagpatay kay Mayor Buquing, nahuli na
Natimbog na ng pulisya ang isa sa mga sinasabing gunman na bahagi ng grupo na pumatay kay Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing.
Isang raid ang isinagawa ng pulisya sa bahay ng suspek sa Barangay Butubut Norte, Balaoan, La Union.
Nakilala ang gunman na si Rosendo Obidoza Sibayan, 29 anyos.
Nakumpiska sa raid ang anim na bala at cartridge ng 5.56 M16 rifle na pareho umanong klase ng mga bala na natagpuan ng mga imbestigador sa crime scene kung saan tinambangan si Buquing.
Ayon sa pulisya, si Sibayan ang triggerman sa grupo ng limang suspek.
Iginiit ni La Union Police Provincial Office Director Sr. Supt. Ricardo Layug Jr. na nagdodoble kayod ang kanilang task force na binuo para mahanap ang natitirang apat na suspek.
Naharap na sa kasong frustrated murder at murder si Sibayan ngunit nadismiss ang mga ito.
Nahatulan din itong guilty sa kasong homicide noong 2009 ngunit napagkalooban ng probation.
Sinasabing may koneksyon si Sibayan sa mga gun-running activities sa La Union.
Sasampahan ng kasong murder ang suspek at paglabag sa firearms and ammunition law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.