33% ng mga Filipino lang ang pabor sa death penalty para sa drug-related crimes – SWS

By Rhommel Balasbas October 11, 2018 - 04:21 AM

Minorya lang ng mga Filipino ang nagnanais ibalik ang death penalty para sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.

Sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas kahapon, lumalabas na 33 percent lamang ng mga Filipino ang naniniwala na nararapat ang parusang kamatayan para sa pitong drug-related crimes.

Ang pitong drug related crimes na ito ay ang: importasyon ng iligal na droga; pagbuo at pagmimintena ng mga drug den; pagtatrabaho sa mga drug den; paggawa ng iligal na droga; pagpatay sa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga; pagbebenta ng iligal na droga at panggagahasa sa impluwensya ng iligal na droga.

Gayunman, lumabas sa survey na 47 percent ng mga Filipino ang naniniwalang nararapat ang parusang kamatayan sa krimen ng panggagahasa sa impluwensya ng iligal na droga.

Para sa natitirang anim na krimen, 51 hanggang 55 percent ang naniniwalang sapat na ang life imprisonment, habang 15 hanggang 24 percent ang naniniwalang sapat na ang pagkakakulong sa loob ng 20 hanggang 40 taon.

Hindi sang-ayon ang 42 percent ng mga Filipino sa death penalty dahil sa religious reasons; 21 percent ang nagsabing posible ang pagbabagong buhay ng mga kriminal; 14 percent ang nagsabing may ibang alternatibo sa parusang kamatayan; 10 percent ang nagsabing kwestyonable ang justice system ng bansa; 7 percent ang nagsabi ng mga makataong kadahilanan at 3 percent ang nagsabing kwestyonable ang polisiya.

Ang survey na ito na pinamagatang National Survey on Public Perception on the Death Penalty ay ginawa para sa Commission on Human Rights noong Marso 22 hanggang 27.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.