Filing ng COC para sa 2019 elections, aarangkada na ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 11, 2018 - 04:50 AM

Simula na ngayong Huwebes ang limang araw na paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.

Mula ngayong araw hanggang bukas, at sa October 15 hanggang 17, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay maaaring maghain ng COC ang mga aspiring candidates.

Ang COC ng mga Senador at party-list groups ay tatanggapin sa Comelec main office sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahang malalaking pangalan ang maghahain sa loob ng limang araw ng filing ng COC hindi tulad noon na hinihintay ang huling araw.

Samantala, inaasahan na nasa 61 milyon ang boboto parasa 2019 elections ayon kay Jimenez.

Hindi pa kasama dito ang nasa 1.9 milyong overseas Filipino voters.

Sa records ng poll body, nasa 2.3 milyong aplikasyon para sa voter registration at reactivation ang natanggap ng Comelec.

Sa halalan sa susunod na taon, inaasahang 1/3 ng boboto ay nasa youth sector o may edad 18 hanggang 35 taong gulang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.