Sa kasagsagan ng presscon sa isyu ng tanim-bala, 2 pasahero nahulihan ng bala sa NAIA T-3

By Ruel Perez November 04, 2015 - 12:17 PM

LaglagBala nov 4 ruel
Kuha ni Ruel Perez

Habang nagsasagawa ng press conference ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at mga opisyales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mayroong dalawang pasahero na nahulihan ng bala sa terminal 3.

Unang naharang ang isang Filipino-American matapos na mahulihan ng baril at bala sa terminal 3 ng paliparan.

Si Ramon Velasco na isang US passport holder ay paalis sana patungong Estados Unidos ngayong umaga.

Sa final screening na na-detect na mayroong baril at bala na nakalagay sa kaniyang handy carry luggage.

Nang pabuksan kay Velasco ang bag ay nakita ng mga airport personnel ang caliber .22 na baril at limang bala.

Sumunod namang hinarang si Rey Salado na pauwi sa Cagayan de Oro para sa libing ng kaniyang yumaong ama. Isang dental assistant si Salado at 46 anyos.

Ayon kay Salado, alam naman niyang bawal ang magdala ng bala at hindi niya intensyon na hindi alisin sa bagahe ang dala niyang bala. “Souvenir po sa akin iyan galing Baguio, alam ko namang bawal, hindi ko ang natanggal sa bagahe,” ayon kay Salado sa panayam ng Radyo Inquirer.

TAGS: 2 persons caught for bringing bullets at NAIA terminal 3, 2 persons caught for bringing bullets at NAIA terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.