Limang dalagita inireklamo matapos i-live sa FB ang pag-CR ng isa nilang kaklase
Naghain ng reklamo sa Manila Police District (MPD) ang 11-anyos na biktima ng bullying at pag-abuso ng kanyang limang kaklaseng babae.
Tinukoy ng biktimang si alyas “Melanie” ang mga suspek na pawang kaklase niya na ang mga edad ay nasa pagitan ng 11 hanggang 13.
Dawit din sa reklamo ang titser na si Mr. Tagadan matapos na obligahin ang biktima na bumili muna ng panindang mineral water ng guro bago payagang magpunta sa CR ang biktima, paglapit niya sa titser para kumuha ng mineral water ay binugahan pa siya nito ng usok ng sigarilyo sa mukha.
Pagkaabot ng mineral water ay nagmamadali na aniya siyang nagtungo sa CR kung saan habang siya ay dumudumi ay kinunan siya ng video ng limang suspek na ini-live sa kanilang Facebook.
Ang insidente ay napanood sa FB ng mga kapitbahay ng biktima na nagparating ng pangyayari sa mga magulang ni Melanie.
Ang mga suspek ay nahuli ng Manila Police ngunit pinakawalan din at ipinasa sa DSWD dahil sa menor de edad ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.