DOJ naglabas ng subpeona sa mayor ng Trece Martires City kaugnay sa reklamong pagpatay kay VM Lubigan

By Ricky Brrozas October 10, 2018 - 12:11 PM

Photo: Cavite Police

Ipinatawag na ng Department of Justice si Trece Martires City Mayor Milandres De Sagun kaugnay sa reklamong pagpatay sa kanyang bise-alkalde na si Alexander Lubigan.

Si De Sagun ay nahaharap sa reklamong murder at Frustrated murder sa DOJ kasama ang anim na iba pang mga suspek sa pananambang kay Lubigan noong July 7, 2018.

Nasawi rin a ang driver ni Lubigan at ikinasugat ng kanyang mga body guards.

Pinahaharap sa pagdinig ng piskalya si De Sagun at iba pang respondents sa Oktubre 12 para magsumite ng kanilang kontra-salaysay sa reklamo.

Bukod kay Mayor Dede sagun, kasamang inireklamo sa DOJ sina Maragondon, Cavite councilor Lawrence Arca, Luis Vasquez Abad Jr, Ariel Fletchetro Paiton, Rhonel Bersamina at iba.

Septembre 13 nang inihain ng pulisya ang reklamo sa DOJ laban sa mga respondents.

Agad naming bumuo ang DOJ ng panel of prosecutors sa pamumuno ni Rex Gingoyon habang mga miyembro sina State Counsel Alejandro Daguiso at assistant state Prosecutor Xerxes Garcia.

TAGS: Alex Lubigan, Trese Martires Cavite, Alex Lubigan, Trese Martires Cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.