Pilipinas, bumagsak ng tatlong puntos sa Global Passport Index
Bumagsak ng tatlong puntos ang ranking ng Pilipinas sa global passport index mula sa pang-72 noong nakaraang taon patungo sa pang-75 ngayong taon.
Batay sa Henley Passport Index ang bansang Japan ang maituturing na mayroong “most powerful passport” kung saan pinapayagan ang kanilang mga mamamayagn na bumiyahe sa 190 mga bansa at teritoryo nang visa-free o visa-on-arrival access.
Sumusunod sa Japan ang Singapore, Germany, France, South Korea, Denmark, Finland, Italy, Sweden, Spain, Norway, United Kingdom, Austria, Luxembourg, Netherlands, Portugal, at United States.
Napanatili naman ng Pilipinas ang ranking na pang-66 sa listahan ng mga bansa at teritoryo na ang mga mamamayan ay nakakabiyahe ng walang visa sa iba pang mga bansa.
Kabilang sa mga bansa o destinasyon na nag-aalok ng visa-free o visa-on-arrival sa mga Pinoy ay ang mga sumusunod:
1. Armenia
2. Benin
3. Bolivia
4. Brazil
5. Brunei
6. Cambodia
7. Cape Verde Islands
8. Colombia
9. Comores Islands
10. Cook Islands
11. Costa Rica
12. Cote d’lvoire (Ivory Coast)
13. Djibouti
14. Dominica
15. Ecuador
16. Fiji
17. Gambia
18. Guinea-Bissau
19. Haiti
20. Hong Kong (SAR China)
21. Indonesia
22. Iran
23. Israel
24. Kenya
25. Kyrgyztan
26. Laos
27. Macao (SAR China)
28. Madagascar
29. Malawi
30. Malaysia
31. Maldives
32. Marshall Islands
33. Mauritania
34. Mauritius
35. Micronesia
36. Mongolia
37. Morocco
38. Mozambique
39. Myanmar
40. Nepal
41. Nicaragua
42. Niue
43. Palau Islands
44. Palestinian Territory
45. Papua New Guinea
46. Peru
47. Rwanda
48. Samoa
49. Seychelles
50. Singapore
51. Somalia
52. Sri Lanka
53. Sta. Lucia
54. St. Vincent and the Grenadines
55. Suriname
56. Taiwan
57. Tajikistan
58. Tanzania
59. Thailand
60. Timor-Leste
61. Togo
62. Trinidad and Tobago
63. Tuvalu
64. Uganda
65. Vanuatu
66. Vietnam
Ang Henley Passport Index ay ranking ng mga pasaporte sa buong mundo batay sa bilang ng mga bansa na pwedeng pasukin ng mga mamamayan ng walang visa.
Nakabase ang ranking sa datos mula sa Air Transport Association.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.