Anak ng isang aktor nakakulong dahil sa iligal na droga

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 03:04 AM

Inquirer file photo

Himas-rehas ngayon ang anak ng aktor na si Dennis de Silva matapos maaktuhan ng mga otoridad na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa Pasig City Police, October 4 nang maaresto ang tatlong mga drug suspek, kabilang si Danielle na anak ni de Silva, sa isang bahay sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Sinasabing kabilang si Danielle sa November 2016 drug watch list ng mga otoridad.

Kasamang naaresto sina Jaspe Francisco alyas Doy at Julito Diliman alyas Mad.

Ayon sa mga otoridad, madaling araw ng October 4 nang makatanggap sila ng ulat tungkol sa nagaganap umanong pot session sa naturang lugar.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa bahay at doon nila naaktuhan ang tatlo na gumagamit ng droga.

Narekober mula sa mga ito ang isang bukas na plastic sachet na amyroong lamang hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang tatlong mga suspek, kabilang ang anak ng aktor, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.