Manila Cathedral dinumog ng mga deboto ni Padre Pio
Ayaw papigil ng mga debotong katoliko na gustong makita ang religious relic na incorrupt heart ni Santo Padre Pio na binuksan sa publiko sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila kaninag tanghali.
Napakahaba na ang pila ng mga nakapayong at mga naka-kapoteng deboto na bukod sa Plaza Roma sa harap ng Manila Cathedral ay umiikot sa gusali ng BF Condominium hanggang sa harapan ng tanggapan ng BIR-Manila.
Base sa pagtaya ng tactical operation center ng Manila Police District, nasa humigit kumulang 6,ooo ang crowd estimate sa harap at paligid ng cathedral.
Posibleng dumami pa ito dahil patuloy ang pagdating ng mga tao at medyo mabagal ang usad ng pila.
Samantala, isinara na ang magkabilang kalsada ng Manila Cathedral kabilang dito ang Cabildo at Heneral Luna street para magbigay daan sa pila ng mga deboto.
Mabagal naman ang daloy ng trapiko sa kalye ng Soriano ave. mula Aduana papunta sa Lawton dahil sa mga deboto na nasakop na ang bahagi ng kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.