Isang eskwelahan sa Bulacan, binulabog ng bomb threat
Binulabog na naman ng panibagong bomb threat ang isang eskwelahan sa Bulacan.
Binulabog ng bomb threat ang Marcelo H. Del Pilar National High School sa Malolos, Martes ng umaga.
Nakatanggap ng isang text message ang guro na si Napoleon Perez bandang 7:59 ng umaga ukol sa umano’y planong pagpapasabog ngayong araw o bukas, araw ng Miyerkules.
Agad iniulat ito ng principal na si Reynaldo Magalong Diaz sa mga pulis dakong 8:30 ng umaga.
Ayon kay Bulacan police director Sr. Supt. Chito Bersaluna, walang natagpuang bomba sa isinagawang search operation ng explosive team sa naturang eskwelahan.
Ito na ang ikatlong kaso ng bomb threat sa lalawigan.
Patuloy na rin aniya ang pag-track ng forensic experts sa mga responsable sa bomb threat na naging dahilan ng pagkaantala ng midterm examinations sa Bulacan State University noong nakaraang linggo.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang pulisya sa mga paaralan sa Bulacan para talakayin ang posibleng panganib sa kumakalat na bomb jokes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.