Terror tagging ng militar at pulisya sa mga estudyante, pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon October 09, 2018 - 12:47 PM

Makabayan bloc photo

Nais ng Makabayan bloc sa Kamara sa maimbestigahan ang ginagawang pamumuntirya ng mga pulis at sundalo sa mga estudyante.

Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, lantaran ang ginagawang pamumuntirya ng militar sa mga estudyanteng militante sa mga kolehiyo at unibersidad.

Sinabi nito na sa nakalipas na dalawang buwan ay patuloy ang ginagawang terror tagging ng militar sa mga estudyante.

Sinabi pa ni Elago na tiyak na diskarte rin ng mga pulis at militar ang bomb threats sa mga eskwelahan para mangbulabog at manakot.

Kasama ni Elagao na naghain ng resolusyon sa Kamara ang mga student leader ng University of the Philippines, Ateneo de Manila, Dela Sakle at University of Santo Tomas.

TAGS: Kamara, Makabayan bloc, Militar, Pulis, terror tagging, Kamara, Makabayan bloc, Militar, Pulis, terror tagging

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.