Pulis, patay sa pamamaril sa Caloocan

By Angellic Jordan, Isa Avendaño-Umali October 09, 2018 - 11:13 AM

(Update) Patay ang isang pulis makaraang tambangan ng riding in tandem sa Caloocan City. Ayon sa Caloocan City Police, ang biktima ay kinilalang si PO1 Marvin Anthony German, 31-anyos at may asawa.

Siya ay aktibong pulis at nakatalaga sa Northern Police District o NPD-AHU sa lungsod ng Caloocan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, naganap ang ambush dakong 8:30 ng Martes ng umaga (October 9) sa pagitan ng 7th Avenue at 8th Avenue, D. Aquino Street, Barangay 46, sa nasabing siyudad.

Nakasakay si German sa kanyang motorsiklo at papasok na sa trabaho nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Si German naman ay isinugod pa sa Caloocan City Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

Nagsasagawa na ng operasyon ang mga pulis upang matunton ang mga salarin at mabatid din ang motibo sa pagpatay kay German.

TAGS: ambush, caloocan, Pamamaril, PNP, Pulis, ambush, caloocan, Pamamaril, PNP, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.